
Pinaghahanda ni dating Sen. Panfilo Lacson ang mga Pinoy sa Taiwan kasunod ng banta ng pananakop ng China.
Kinatigan ni Lacson ang nauna nang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Romeo Brawner sa mga sundalo sa Northern Luzon Command na maghanda ng Taiwan invasion contingency.
Sinabi ni Lacson na kung ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) ay may ganitong mga paghahanda ay dapat ganito din ang pag iisip ng mga OFWs.
Una nang sinabi ni Brawner na ang kanyang guidance sa mga sundalo ay hindi dahil mayroong “imminent threat” bagkus isa lamang itong “prudent measure” para sa posibleng scenario.
Ani Brawer, non-combatant evacuation operations preparedness ang kanyang sinasabi lalo at may 250,000 Overseas Filipino Workers sa Taiwan na kailangan tiyaking ligtas.
Ang kautusan ni Brawner ay kasunod ng pagpapadala ng Beijing ng army, navy, air at rocket forces sa Taipei para mag-practice ng blockade.
Tinuturing ng Beijing ang Taipei bilang renegade province at nais na makontrol.
Ang Taiwan ay umalis sa Chinese mainland noong 1949.