Nananatiling payapa sa mga probinsiya ng South Korea kasunod ng emergency martial law declaration ng kanilang Pangulo dahil umano sa banta ng komunismo mula sa North Korea na agad din niyang binawi.

Ito ay maliban sa lungsod ng Seoul na kahit malamig ang panahon ay kaliwat-kanan ang kilos-protesta ng mga opposition na nananawagan ng impeachment ni Pangulong Yoon Suk Yeol.

Ayon kay BINC Wilson Musni Sunga mula South Korea, sa kabila ng mga kaguluhan sa kabisera ay hindi pa naman sila apektado sa probinsya.

Sakali naman aniyang lumala ang sitwasyon ay nakahanda silang sumunod sa abiso mula sa Philippine embassy para sa posibleng repatriation.

-- ADVERTISEMENT --