Mainit ang naging debate ng mga senador sa panukala ni Senator Robinhood Padilla na ibaba sa 10 taong gulang ang minimum age ng criminal responsibility para sa mga batang nakagawa ng karumal-dumal na krimen.
Inilahad ni Padilla ang serye ng mga krimen na kinasangkutan ng mga menor de edad tulad ng pagpatay at panghahalay.
Pero tinutulan ito ni Senator Kiko Pangilinan na siyang proponent ng Juvenile Justice and Welfare Act o ang Republic Act 9344 at aniya wala sa pagpapababa ng edad ang solusyon para hindi gumawa ng krimen ang kabataan kundi nasa mahigpit na pagpapatupad ng batas.
Ipinunto ng senador na sa ilalim ng batas, kahit 10 taong gulang ang isang bata at nakagawa ng mabigat na krimen tulad ng panggagahasa, mayroon pa rin itong isang taon na sapilitang pagkakakulong at maaari itong palawigin depende sa magiging desisyon ng korte at sa umiiral na batas.