Muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo sa Nueva Ecija.

Ito ay ilang araw lamang mula nang maganap ang sagupaan sa Pantabangan na nagresulta sa pagkamatay ng 10 rebelde na kinabibilangan ng ilang mga matataas na lider.

Batay sa inisyal na ulat, nangyari ang naturang engkwentro kahapon, July 4, sa Brgy. Cambital sa bayan din ng Pantabangan.

Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na ulat kung may nasugtan o nasawi sa naturang labanan.

Wala ding kumpirmasyon ang 7th Infantry Division kung ang mga nakasagupang rebelde ay ang mga miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon na unang nakasagupa ng mga sundalo sa dalawang magkasunod na engkuwentro.

-- ADVERTISEMENT --

Hunyo-20, 2024 nang maganap ang labanan sa Pantabangan na nagresulta sa pagkakapatay ng 10 rebelde.

Ito ay kasunod ng nauna nang sagupaan na nangyari sa probinsya ng Nueva Vizcaya.