TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa na ng clearing operation ang mga otoridad sa pinangyarihan ng sagupaan sa
pagitan ng Communist Terrorist Group at mga sundalo sa Brgy. Dungeg, Santa Taresita, Cagayan kaninang
madaling araw.
Sinabi ni Major Jekyll Julian Dulawan ng 5th Infantry Division na bukod sa tropa sa ground ay
rumesponde rin ang air assets ng Philippine Air Force at nagsagawa ng airstrike dahil sa hindi umano
makalapit ang mga sundalo sa kuta ng rebeldeng grupo dahil sa mga itinanim na mga land mines.
Ayon kay Dulawan, ang nasabing kuta ay pagawaan umano ng mga rebelde ng improvised explosive device at
land mines.
Sinabi niya na nasa 40 rebelde ang naka-engkwentro ng mga sundalo.
Sinabi ni Dulawan na wala namang casualty at nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.
Ayon pa kay Dulawan, sa aircraft ng AFP galing ang tunog na narinig at ikinatakot ng ilang residente sa
Santa Ana, Gonzaga at Buguey