
Sinimulan nitong Miyerkoles, Pebrero 25, sa Quezon City Regional Trial Court Branch 83 ang arraignment ng mga suspek sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa anak nitong si John Ysmael.
Nagpasok ng “not guilty” plea si Gil Dy, habang ang kanyang mga kapwa akusado na sina Pia at Christian Panganiban ay naghain ng mosyon upang ipawalang-bisa ang kaso dahil sa umano’y ilegal na pag-aresto sa kanila.
Bagama’t nagpasok ng plea, iginiit din ni Dy, sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, na may mga paglabag umano sa proseso ng kanyang pagkakaaresto.
Binigyan ng korte ang prosekusyon ng limang araw upang magkomento sa mosyon ng mga Panganiban na ipawalang-bisa ang kaso. Ipinagpaliban naman ang arraignment nina Dy at ng dalawa pang akusado.
Ugat ng kaso ang mga reklamong may kaugnayan sa umano’y mga pangyayari sa likod ng pagkawala at pagkamatay ng mag-ina.
Hindi pa nagtatakda ng bagong petsa ng arraignment ang korte habang hinihintay ang resolusyon sa mosyon.








