
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakasama sa special payout sa susunod na linggo ang mga tricyle drivers sa Metro Manila na hindi nakakuha ng cash assistance ngayong linggo.
Ang tulong na ito ay upang mapagaan ang hamon sa mga drivers sa gitna na patuloy na sumisirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa isang panayam, sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na sa paparating na linggo ay mag-uumpisa na sila mamahagi ng aid sa iba pang mga drivers.
Ayon kay Dumlao, higit 120,000 na mga tricycle drivers sa National Capital Region ang nakalista sa kanila na makatatanggap ng cash assistance.
Mula aniya sa bilang na ito, higit 90,000 na ang nakatanggap ng tulong sa nakalipas na tatlong araw.
-- ADVERTISEMENT --










