TUGUEGARAO CITY- Binigyan diin ni Governor Manuel Mamba na lalabanan ang mga tutol at tumututol sa dredging sa bunganga ng ilog Cagayan sa bayan ng Aparri.

Isa sa tinukoy ni Mamba ay ang arsopispo ng Archdiocese of Tuguegarao.

Iginiit ni Mamba na isusulong pa rin niya ang dredging sa Aparri dahil sa kailangan na mabuksan ang port doon para mabuksan ang lalawigan para sa ibang bansa para sa negosyo at investment.

Ayon sa kanya, ito ang nakikitang niyang solusyon sa epekto ng Rice Tarrification Law sa mga magsasaka.

Sinabi niya na sa pamamagitan ng port of Aparri, maaari nang maibenta ang mga produkto ng lalawigan sa ibang bansa tulad sa China, Taiwan at Japan.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Gov. Mamba