Nakaalerto pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Cagayan Valley sa kabila ng idineklarang holiday ceasefire ng New People’s Army (NPA).

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Maj, Gen Pablo Lorenzo, commanding officer ng 5th Infantry Division, Philippine Army na pansamantala nilang ihihinto ang mga military operations laban sa makakaliwang pangkat.

Ito ay bilang suporta sa unilateral declaration ng ceasefire ngayong Yuletide season.

Gayunman, sinabi ni Lorenzo na magpapatuloy ang pagbibigay ng mga basic military services gaya ng pagpo-proseso sa E-CLIP ng mga rebel returnee.

Matatandaang, sumunod ang Palasyo sa idineklarang ceasefire ng Communist Party of the Philippines para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan mula Disyembre 23 hanggang Enero 7 ng susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --