Niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Mindanao kaninang umaga.
Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang bayan Manay, Davao Oriental ngayong araw.
Naganap ang pagyanig bandang 9:44 a.m.
Batay sa inilabas na datos ng PHIVOLCS ,ito ay may lalim na 10 km.
Agad na naglabas ang PHIVOLCS ng tsunami warning at nanawagan sa mga baybayin na lumikas sa ligtas na lugar.
Nagbabala din ang ahensiya ng pinsala at aftershocks dahil sa nasabing malakas na lindol.
Sinabi ni PHIVOLCS na posible ang mahigit isang metro na taas ng alon sa susunod na dalawang oras.
Itinala naman ng European-Mediterranean Seismological Centre ang lindol sa magnitude 7.4 at may lalim na 58 km.
Naglabas din ang U.S. Tsunami Warning System ng tsunami threat, at sinabing posible ang mapaminsala na tsunami waves sa mga baybayin na matatagpuan sa loob ng 300 km ng epicenter ng lindol.