Nag-landfall na ang tropical depression “Mirasol kanina sa Casiguran, Aurora.
May dala itong hangin na 55 km/hr malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 90 km/hr.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the northern and eastern portions of Benguet (Bakun, Mankayan, Kabayan, Buguias, Kibungan, Atok, Bokod), Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Polillo Islands.
Tinatayang lalakas si Mirasol at maging tropical storm sa paglabas nito sa Luzon Strait.
Dahil dito, posibleng itaas ang signal no. 2 sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Tinataya na kikilos si Mirasol pa-hilaga- hilagang kanluran sa susunod na 12 oras habang tinatahak ang Northern Luzon.
Muli itong lalabas sa Luzon Strait mamayang hapon o gabi at patuloy itong kikilos pa-northwestward patungong kanluran hilagang kanluran hanggang sa lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga o hapon.