Umalis na sa bisinidad ng El Nido, Palawan ang pinakamalaking China Coast Guard vessel na tinawag na “monster ship” at dumaan ito sa katubigan ng Scarborough (Panatag) Shoal, ayon sa West Philippine Sea monitor.

Sinabi ni SeaLight director Ray Powell na sa kanilang monitoring kaninang 7:00 a.m., ang CCG ship na may bow number 5901 ay tumawid ng dalawang kilometro mula sa shoal.

Kahapon ay nakita ang nasabing higanteng barko sa 40 nautical miles lamang mula sa El Nido, Palawan.