Hindi pa rin umaalis ang tinaguriang “monster ship” ng China Coast Guard sa Zambales, ilang araw mula nang mamataan sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nakita ito sa layong 60-70 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.
Wala namang patid ang pagraradyo ng BRP Gabriela Silang sa barko ng China para igiit na iligal ang kanilang pananatili sa karagatan ng Pilipinas.
Malinaw anila na walang karapatan ang China na mag-deploy ng kanilang mga barko sa hindi naman nila sakop lalo na’t hindi saklaw ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang freedom of navigation ng foreign-flagged vessels sa pagpapatrolya sa loob ng Exclusive Economic Zones.
Tiniyak naman ng PCG na patuloy silang maninindigan laban sa mga iligal na aktibidad ng China sa WPS.