Nakikipag-ugnayan na rin ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa mabilisang pagresolba sa kaso ng mga abugadong napapatay sa bansa.

Ito’y kasunod ng MOU na nilagdaan noong Lunes sa pagitan ng IBP at Philippine National Police (PNP).

Ayon kay IBP National President Atty Domingo Egon Cayosa, nakatakdang lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) on Lawyer Security ang IBP sa AFP at NBI sa mga susunod na araw.

Layon din nito na matiyak na makapagtrabaho nang ligtas at walang pinangangambahang banta sa kanilang buhay ang mga Filipinong abugado at magbigay proteksiyon laban sa dumaraming kaso ng pagpatay.

Tinig ni IBP National Pres. Atty. Domingo Cayosa

Maglalaan din ang IBP ng P25-milyon na Lawyers Security and Justice Fund para magbigay ng pabuya at suporta sa mga testigo sa pag-usig sa mga suspek sa pagpatay sa mga abogado.

-- ADVERTISEMENT --

Pinakahuling insidente nito ay ang pagpatay sa 73-taong gulang na si Atty. Bayani Dalangin na binaril at pinatay sa kaniyang opisina sa Talavera, Nueva Ecija.