Nagsampa ng kaso ang MS NOW, CNN at Politico laban sa administrasyon ni US President Donald Trump matapos pagbawalan ang kanilang mga mamamahayag na makapasok sa White House grounds.

Inihain ang kaso sa US District Court for the District of Columbia upang igiit umano ang kanilang karapatan sa ilalim ng First Amendment at ipagtanggol ang kalayaan ng pamamahayag.

Ayon sa tatlong media outlet, binawi ng White House ang press credentials ng kanilang mga reporter nang walang abiso o proseso dahil sa kanilang mga inilalabas na balita.

Samantala, ipinagtanggol ni Trump ang ban at tinawag na banta sa national security ang mga news media, ngunit wala siyang inilabas na ebidensiya para suportahan ang pahayag.

Noong Sabado, hinarang sa White House grounds ang mga reporter ng tatlong outlet at kinuha ang kanilang press credentials. Kinondena naman ng Associated Press, White House Correspondents’ Association at iba pang media groups ang hakbang at hiniling na ibalik ang access ng mga mamamahayag.

-- ADVERTISEMENT --