Tuguegarao City- Dead on the spot ang Municipal Administrator ng LGU Lasam matapos pagbabarilin ng motor riding criminals sa Brgy. Callao Norte, Lasam Cagayan.

Sa panayam kay PCAPT Pablo Tumbali, hepe ng PNP Lasam, nagtamo ng pitong tama ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Benjamin Agatep na residente rin mula sa nasabing bayan.

Batay aniya sa pagsisiyasat ay papunta sana si Agatep sa Centro para tignan ang kanyang mga kasamahan na mag-biking.

Saktong nasa mabukid na bahagi ng kalsada na ang biktima ng sundan siya ng mga suspek at pinagbabaril

Ayon kay Tumbali, nakasakay ang mga suspek ng tatlong motorsiklo at mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin sa pamamaslang.