Napatunayan ng Sandiganbayan na guilty sa kasong graft si Muntinlupa mayor at dating Congressman Ruffy Biazon may kaugnayan sa P10 billion pork barrel scam.

Dahil dito, hinatulan ng Sandiganbayan si Biazon ng anim hanggang 10 taong pagkakabilanggo.

Gayonpaman, pinawalang-sala ng anti-graft court si Biazon sa alegasyon ng malversation sa parehong kaso ng pork barrel.

Samantala, sinabi ni Biazon na iaapela niya ang nasabing ruling ng Sandiganbayan.

Kasabay nito, sinabi ng kampo ni Biazon na hindi makakaapekto sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang mayor ng Muntinlupa ang naging hatol sa kanya ng Sandiganbayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, magpapatuloy ang pamamahala niya sa Muntinlupa na may integridad.