Inamin ni Nadia Montenegro na mayroon siyang anak kay Baron Geisler.

Kinumpirma ni Nadia sa isang panayam sa kanya na si Baron ang ama ng kanyang 17 anyos na anak na babae na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa susunod na buwan.

Ayon sa kanya, umaasa siya na sa pamamagitan ng kanyang pahayag ay matitigil na ang mga espekulasyon sa nasabing isyu.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Nadia na walang karapatan ang sinuman na magsabi ng kuwento ng kanyang buhay kahit may nasiwalat na nito 17 taon na ang nakalilipas, at ang kanyang tinutukoy ay si Geisler.

Sinabi niya na ang kanyang pag-amin ay hindi para siya ay pag-usapan, sa halip ay upang matapos na ang nasabing isyu.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, may nagsiwalat umano tungkol sa kanyang buhay, 17 taon na ang nakalilipas na wala dapat karapatan dahil sa panahong iyon ay inaayos niya ang lahat.

Binigyan diin niya na pagkakamali niya ito dahil hindi deserve ng kanyang anak na si Sophia na palaging nadadamay sa isyu.

Sinabi pa niya na hindi pagkakamali ang kanyang anak.