
Lumagpas na sa target ang bilang ng mga nagparehistrong botante para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), umabot na sa mahigit 3.9 milyong Pilipino ang nag-apply para sa voter registration—halos tatlong beses sa orihinal na target na 1.4 milyon.
Pinakamarami ang naitala sa CALABARZON, sinundan ng Central Luzon, National Capital Region (NCR), at Bicol Region.
Patuloy ang voter registration hanggang Mayo 18, 2026, at bukas ito araw-araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa mga tanggapan at satellite sites ng Comelec.
Matatandaan namang inilipat sa Nobyembre 2026 ang BSKE matapos lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na nagtatakda ng bagong iskedyul ng halalan.
-- ADVERTISEMENT --










