Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na magiging “world-class international airport” ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Marcos, inaasahan daw na magiging maganda ang hitsura at serbisyo ng NAIA sa mga susunod na taon sa tulong daw ng pangangasiwa ng pribadong sektor.

Ayon kay Pangulong Marcos, 48 flights per hour ang magiging target sa pag-modernize ng NAIA.

Nagbigay din siya ng update tungkol sa iba’t ibang paliparan na ginagawa sa bansa.