Umabot sa 136 na indibidwal mula sa Bayan ng Cabagan at 112 sa Bayan ng Tumauini, Isabela ang tumanggap ng tulong mula sa Walang Gutom Program (WGP) sa ginanap na Food Redemption Day noong ika-3 ng Setyembre, 202
Layunin ng nasabing programa na masugpo ang kagutuman at matiyak ang sapat na nutrisyon para sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng food voucher at assistance na katumbas ng Php3,000.00 kada buwan gamit ang tinatawag na Electronic Benefit Transfer Card kung saan makakakuha sila ng Php1,500.00 na halaga ng Go Food, Php900.00 halaga ng Grow Food, at Php600.00 na halaga ng Glow Food mula sa mga katuwang na partner merchant stores na Cabagan Green Integrated Farm Tourism Society Agriculture Cooperative at Santa Catalina Sustainable Livelihood Agriculture Cooperative.
Kasabay din ang Nutrition Education Session na naglalayong magbigay ng impormasyon at aral kung paano ang tamang paghahanda ng mga pagkain upang mapanatili ang nutrisyon nito.
Binigyang-diin naman ni DSWD FOR2 Regional Director Lucia Alan ang kahalagahan ng masustansyang pagkain sa komunidad.
Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan dahil ito ang pundasyon nang maayos na paglaki ng mga bata at magandang kalusugan ng lahat ng miyembro ng komunidad.
Samantala, dumalo ang mga tauhan ng Commission on Audit (COA) na sina Glaiza M. Orteza, Janine B. Merdegia, at Ceslhee Ann Mabel Angeles, upang matiyak ang wastong implementasyon at pagsunod sa mga patakaran ng programa.
Nakiisa rin sa aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Cabagan at Tumauini sa pangunguna ni Cabagan Municipal Mayor Christopher A. Mamauag at Tumauini Municipal Mayor Venus Grace Bautista.