Umaasa ang National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) na kakatigan ng Commision on Election (COMELEC) ang kanilang petisyon na maging citizen arm ng poll body para sa midterm elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, kumpiyansa si Eric Jude Avila, secretary general ng NAMFREL na magiging pabor sa grupo ang petisyon na ilalabas bukas na humihiling na mabigyan ng akreditasyon ng poll body upang makatuwang sa nalalapit na halalan.
Sa panukala ng NAMFREL, nais nitong magpokus sa random manual audit, pag-monitor sa automated election system at ang open election data na may layuning ikalat sa publiko ang resulta ng halalan.
Sinabi ni Avila, sa pamamagitan nito ay mapangalagaan ang visibility at reliability ng kanilang vote update na hindi pinagdududahan ng publiko at hindi nalalayo sa tunay na update ng bilang ng boto sa electronic transmission of vote o automated counting machines (ACMs) ng Comelec.
Vc Avila March 31
Ang Namfrel ang nagsilbing watchdog para sa unofficial quick count of votes ng ilang taong pagdaraos ng eleksiyon sa bansa.