
Nanawagan si Bise Presidente Sara Duterte sa mga Pilipino na maging mapagmatiyag laban sa mga pagsubok na baluktutin ang hustisya, kasabay ng unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Marso 11.
Sa kanyang pahayag, pinaalalahanan niya ang publiko na ang extraordinary rendition o kidnapping ng dating Pangulo ay hindi dapat gamitin bilang sandata para sa pulitika o pansariling interes.
Ayon sa kanya, ang paglabag sa karapatan ng isang indibidwal ay maituturing na pag-atake sa katarungan.
Umapela rin si VP Sara sa mga mamamayan na manatiling malaya, tapat, at matatag sa kanilang paninindigan sa mga institusyon, at iginiit na walang sinuman ang dapat pagkaitan ng proteksiyon ng batas.










