TUGUEGARAO CITY-Mas makakasira umano sa mga pananim na palay at iba pang pananim tulad ng niyog nat saging ang naransang dalawang araw na mahinang pag-ulan sa Cagayan sa gitna na rin ng pangangailangan ng tubig para sa mga sakahan ngayong summer
Sinabi ni Ernesto Guzman,focal person for rice program ng Department of Agriculture Region 2 na ito maaapektuhan ang maturity ng mga palay na hindi pa matigas ang mga butil kung babagsak sa mga ito ay ulan na mula sa dagat na may dalang asin
Ayon pa sa kanya,mangingitim ang mga dahon ng mga pananim
Dahil dito,sinabi niya na makakaapekto ito sa rice production sa lalawigan
Sinabi ni Guzman na mas mainam kung malalakas na ulan ang mararanasan ngayong summer para makatulong sa mga magsasaka
Kaugnay nito, sinabi ni Guzman na wala pa silang nakikitang solusyon sa ganitong problema na nararansan ng mga magsasaka tuwing summer lalo na sa mga coastal towns
Payo na lamang ni Guzman na magtanim ng mas maaga upang maiwasan ang ganitong sitwasyon