
Umabot na sa 11 ang natagpuang bangkay sa karagatan ng Basilan ngayong Huwebes habang patuloy ang paghahanap sa mga nawawalang pasahero ng lumubog na Trisha Kerstin 3 RORO ferry.
Ayon sa PCG, 10 pa ang nawawala, kabilang ang kapitan at isang tauhan ng PCG.
Tumulong na rin sa operasyon ang mga lokal na mangingisda at kaanak ng mga nawawalang pasahero.
Sinabi ng awtoridad na may mga pating sa lugar, kaya kailangan ng dagdag pag-iingat.
Pinalawak din ang search area at nakikipag-ugnayan sa mga coastal communities para sa posibleng biktimang napadpad.
-- ADVERTISEMENT --
Ang M/V Trisha Kerstin 3 ay galing Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu nang lumubog noong Lunes.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng trahedya.










