
Umaabot sa 90 barko kabilang ang oil tankers ang dumaan sa Strait of Hormuz buhat nang magsimula ng giyera sa Iran at patuloy ito sa pag-export ng milyong-milyong bariles ng langis sa panahon na sarado ang nasabing lagusan.
Ito ay batay sa maritime at trade data platforms.
Ayon sa maritime data firm Lloyd’s List Intelligence, karamihan sa mga barko na dumaan sa strait ay tinatawag na “dark” transits na umiiwas sa sanctions mula sa kanluraning mga bansa at oversight na posibleng may koneksyon sa Iran.
Kamkailan lang, matagumpay na naglayag sa strait ang mga barko na may koneksyon sa India at Pakistan habang pinapalakas ng mga ito ang mga negosasyon.
Tinaya naman ng Kpler, isang trade data and analytics platform na nagawa pa rin ng Iran na makapag-export ng 16 million barrels ng langis sa simula ng Marso sa kabila na sarado ang Strait of Hormuz nang magsimula ang giyera.
Dahil sa sanctions mula sa Western countries at iba pang panganib, ang China ang pinakamalaking buyer ng langis ng Iran.
Ayon sa Kpler, nagagawa pa rin ng Iran na kumita sa pagbebenta ng kanilang langis at napepreserba ang kanilang sariling export artery sa pamamagitan ng pagkontrol sa chokepoint.










