
Isasagawa na ngayong araw ang nationwide bloodletting drive ng Bombo Radyo Philippines, katuwang ang Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc. at ang Philippine Red Cross, ang pinakahihintay na Dugong
Bombo 2025— ang isang araw na pinakamadugong blood donation event na sabay-sabay na gaganapin sa 25 pangunahing lugar sa buong bansa kung saan ay may operasyon ang network ng 32 fully digitalized AM at FM station.
Ang Dugong Bombo ngayong taon ay mayroong mas malalim na kahulugan bilang ang bansa ay patuloy na bumabangon mula sa mga mapanirang bagyo at ang kamakailang malakas na lindol na tumama sa ilang rehiyon. Ang kagyat na pangangailangan para sa isang matatag at sapat na suplay ng dugo ay nagtatampok sa kahalagahan ng community-driven humanitarian initiatives gaya ng Dugong Bombo.
Sa buong bansa, libu-libong Pilipino—mula sa government agencies, civic organizations, religious groups, schools, uniformed personnel, private companies, at individual donors— ay muling inaanyayahan nang may tapang at pakikiramay.
Ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay nagpaabot ng buong suporta para sa bloodletting ngayong taon, na hinihikayat ang mga mananampalataya na lumahok bilang isang kongkreto pagpapahayag ng pananampalataya, pagkakawanggawa, at pakikiisa sa mga nangangailangan.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, ang Dugong Bombo ay nagsilbing maaasahang lifeline para sa mga blood banks, ospital at emergency response units, na nagbibigay ng libu-libong mga yunit ng dugo na nagliligtas sa hindi mabilang na buhay bawat taon. Ang epekto nito ay nagpapatuloy kahit pagkatapos ng araw na ito— na magpapabago sa simpleng gawain na magbibigay ng pag-asa at paghilom.
Sa temang “A Little Pain, A Life to Gain,” ang inisyatiba ngayomng taon ay nagpapaalala sa bawat Pilipino na habang nagbibigay ng dugo ay maaaring tumagal lamang ng ilang sandali at isang maliit na kakulangan sa ginhawa subalit maaari itong mangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng buhay at kamatayan para sa isang taong may kritikal na pangangailangan. Sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya, wala pa ring kapalit
para sa dugo ng tao kapag ito ay kailangan.
Sa paglalahad ng Dugong Bombo 2025 sa buong bansa, Bombo Radyo Philippines, katuwang ang Bombo Radyo
Philippines Foundation, Inc. at ang Philippine Red Cross ay muling nagpapatibay/nagtitiyak sa pangako nito sa serbisyo publiko, community empowerment, at pagliligtas sa buhay ng mga Pilipino—isang mahalagang donasyon sa isang pagkakataon.
Ang Dugong Bombo sa Tuguegarao City ay isasagawa sa People’s Gym.










