Sa kabila ng umano’y konsiderasyon na magretire na sa pagiging basketball player, ginulat ni LeBron James ang kaniyang mga fans matapos siyang pumirma ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $8 million sa Philadelphia 76ers.

Ayon sa NBA player, nais pa umanong maglaro at tuparin ang pangarap na makakuha ng apat na kampeonato sa apat ding magkakaibang NBA team.

Sa kaniyang pagpasok sa 76ers, hamon para kay LeBron ang 43-year championship drought katulad ng ginawa niya noon tinapos niya ang 52-taong pagkatalo ng Cleveland Cavaliers bago nakuha ang kampeonato noong 2016 kung saan nakasama niya sina Kyrie Irving at Kevin Love.

Nilinaw naman ng Klutch Sports Group CEO na si Rich Paul na hindi “package deal” sina LeBron at ang kaniyang anak na si Bronny James kaya mananatili si Bronny sa Lakers.

Samantala, bilang pagkilala idineklara naman ni Pennsylvania Governor Josh Shapiro ang July 24 bilang “LeBron James Day”.

-- ADVERTISEMENT --