
Tumanggap ng condominium unit na nagkakahalaga ng mahigit P2.1 milyon mula sa National Housing Authority (NHA) ang pamilya ng yumaong Ateneo Blue Eagles player na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa Davao City.
Ayon sa NHA, ibinigay ang pabahay bilang pagtupad sa pangarap ni Baterbonia na magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang pamilya at mailipat sila mula sa flood-prone area sa Agusan del Sur.
Bukod sa condo unit, tumanggap din ang pamilya ng mga appliances at muwebles mula sa mga pribadong donor.
Samantala, sinabi ng ina ni Baterbonia na patuloy nilang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng kanyang anak noong team-building activity sa Aurora at iginiit na patuloy silang naghahanap ng hustisya.










