
Inanunsiyo ng NBA star na si Russel Westbrook ang kaniyang tuluyang pagreretiro sa paglalaro.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video kung saan binasa pa ng aktor na si Michael B. Jordan ang ilang mensahe ng 37-anyos na si Westbrook.
Naglaro sa NBA si Westbrook sa loob ng 18 NBA season kung saan nakasama siya sa pitong koponan.
Matapos ang dalawang taon sa college career sa University of California, Los Angeles, ay napili siya bilang number 14 sa 2008 NBA draft ng Seattle SuperSonics subalit hindi ito naglaro.
Umabot sa 11 season ito naglaro sa Oklahoma City Thunder ang bagong pangalan ng SuperSonics kung saan nakatambal niya sina Kevin Durant at James Harden.
Pinangunahan nila ang Western Conference title noong 2012 subalit natalo sila sa Miami Heat noong NBA Finals.
Sa Game 4 ng Finals ay nagtala ito ng 43 points kung saan 23-anyos pa lamang ito na siiya ang nanguna sa scoring, assists, rebounds at steals noong panahon na ito.
Nagtamo ito ng meniscus tear sa first round ng 2013 playoffs habnag si Durant ay nagkaroon ng foot fracture na nagtapos sa OKC sa game 7 nila ng Golden State Warriors.
Hindi siya binitawan ng OKC kung saan nakasama pa nito sina Paul George at Carmelo Anthony.
Noong 2016-17 season ay naging siya bilang unang manlalaro mula noong panahon ni Oscar Robertson sa taong 1962 na nag-average ng 31.6 points, 10.7 rebounds at 10.4 assists para makamit ang Most Valuable Player award kung saan nagtala ito ng 42 triple-doubles sa nasabing season.
Si Westbrook na nine-time All Star ay mayroong career average na 20.9 points, 6.9 rebounds at 8.0 assists kada laro.
Hawak nito ang most career triple-doubles na 209 na nahigitan ang naitala ni Robertson.
Bukod sa OKC ay naglaro din si Westbrook sa mga koponan gaya ng Houston Rockets, Washington Wizards, Los Angeles Lakers, LA Clippers, Denver Nuggets at Sacramento Kings.
Sa kaniyang final season ay mayroong 58 na laro ito sa Kings kung saan nag-average ito ng 15.2 points, 6.7 assists at 5.4 rebounds.
Nagretiro itong panlima sa kasaysayan ng NBA na may career assists sumusunod kina John Stockton, Chris Paul, Jason Kidd at LeBron James.
Siya ang pang-14 sa NBA career scoring list na may 27,176 points at tanging tatlong aktibong manlalaro kasunod kina Durant, James at Harden.









