Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa pagpapatuloy ng Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na hindi umano tumutugma ang acronym na RAGE sa buong pangalan ng koalisyong pinangungunahan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sa pagdinig nitong Martes, muling ipinanood sa impeachment court ang video ng RAGE coalition meeting noong Abril 12, 2026, kung saan binanggit umano ni Mayor Duterte na wala silang ibang kailangan kundi ang “ulo” lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasunod nito, tinanong ng impeachment court si Matibag kung alam nito ang kahulugan ng pangalang RAGE.

Sinundan ito ng tanong ni Senate impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero kung acronym ba ang salitang RAGE.

Ipinaliwanag ni Matibag na hindi umano akma ang acronym sa buong pangalan ng grupo dahil ang nakasaad dito ay “Reformed Alliance for Good Governance,” na aniya ay hindi bumubuo sa salitang RAGE.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi rin ng NBI director na umabot sa mahigit 691,000 ang viewers ng live broadcast ng pagtitipon ng RAGE coalition, na aniya ay nagpalawak sa epekto ng umano’y mga pahayag na nagdulot ng pangamba at banta sa kaayusan at seguridad ng bansa.