Inilunsad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bagong bersyon ng NBI clearance na may kasamang “Bagong Pilipinas” logo.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa kautusan ng administrasyong Marcos na maglagay ng bagong emblem sa mga opisyal na dokumento ng gobyerno, ayon sa pahayag ng NBI.

Sa panahon ng transition, sinabi ng ahensya na parehong balido ang kasalukuyan at ang mga bagong NBI clearance.

Hinimok ng NBI ang publiko na maging pamilyar sa bagong disenyo ng clearance, na ipapakita sa mga opisyal na social media pages ng NBI at mga clearance centers.

-- ADVERTISEMENT --