Nadiskubre ng National Bureau of Investigation ang halos 200 na falsified birth certificates na ibinigay sa Chinese nationals mula 2018 hanggang 2019, lahat ay mula sa civil regisrty ng isang bayan sa Davao Del Sur.

Isiniwalat ito ng NBI regional office sa Davao kasunod ng pagkakaaresto noong Martes ng Chinese national na nagprisinta ng pekeng birth certificate na kanyang nakuha noong 2013.

Sinabi ni Archie Albao, director ng NBI Region 11, ginawa ang pag-aresto matapos na idulog sa kanila ng Department of Foreign Affairs ang isang 21-year-old Chinese na lalaki na magkakaiba ang kanyang sinabi kaugnay sa kanyang pagkakakilanlan habang kumukuha siya ng pasaporte.

Ayon kay Albao, ito ang unang pag-aresto nila sa isang Chinese national na nabigyan ng falsified birth certificate ng
Local Civil Registry (LCR) ng Santa Cruz, Davao del Sur na ayon sa aplikante ay dito siya ipinanganak.

Sinabi niya na ang karamihan ng nadiskubre na falsified birth certificates ay para sa mga Chinese nationals na nakabase sa Luzon.

-- ADVERTISEMENT --