Naghain ng kanyang pagbibitiw sa puwesto si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago kahapon.
Sinabi ni Santiago na ito ay dahil sa mga planadong hakbang upang sirain ang kanyang reputasyon.
Sa kanyang sulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang August 15, 2025, sinabi ni Santiago na mga paninira laban sa kanya ay nagsimula nang magsumite siya ng kanyang courtesy resignation noong buwan ng Mayo, bilang tugon sa direktiba ng Pangulo sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Sinabi ni Santiago na patuloy ang mga ginagawang hakbang ng kanyang mga detractors at mga taong may interes sa kanyang posisyon para mantsahan ang kanyang reputasyon.
Binigyang-diin niya na hindi niya papayagan na masisira ang kanyang pangalan at reputasyon na kanyang pinanday sa loob ng maraming taon.
Hiniling ni Santiago na agad na ipatupad ang kanyang resignation sa sandaling may maitatalaga na papalit sa kanya.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni Santiago na sa panahon ng kanyang panunungkulan, trinabaho niya na mawala ang mga scalawags, tinanggal ang mga tiwaling mga opisyal at binuwag ang one unit bilang bahagi ng internal cleansing sa NBI