TUGUEGARAO CITY-Nag-iikot umano ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation Region 2 para sa surveillance sa mga lugar na may impormasyon na may vote buying.
Ito ay bilang tugon sa kautusan ng NBI central office.
Subalit,hinikayat ni Atty.Gelacio Bongngat,director ng NBI Region 2 ang mga tumatawag at nagte-text sa kanila na nagsusumbong na may vote buying sa kanilang lugar na gumawa ng kanilang complaint affidavit at magpakita ng mga ebidensiya para sa case build-up.
Bukod sa vote buying, nagsasagawa din ng monitoring ang NBI sa mga report na presensiya ng armed groups sa Cagayan,Kalinga at Isabela.