
Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng bagong plunder complaint laban sa dating Ako Bicol Party-List Representative na si Zaldy Co sa Department of Justice (DOJ) nitong Lunes.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, ito ay karagdagang kaso ng plunder laban kay Co, ngunit hindi niya ibinahagi ang partikular na flood control project o ang iba pang kasamang Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa reklamo.
Sinimulan na ng DOJ ang preliminary investigation sa kaso.
Wala ring abogado na lumitaw para kay Co, ngunit sinabi ni Martinez na magpapatuloy ang proseso ayon sa itinakdang timeline.
Dagdag pa rito, isinasagawa rin ng DOJ ang preliminary investigation sa anim pang kaso na may kinalaman sa flood control projects ng Wawao Construction at Topnotch Catalyst Builders.
Dalawa sa mga ito ay hiwalay na reklamo laban kay Senator Joel Villanueva at dating senador Bong Revilla.










