Tiniyak ng National Bureau of Investigation o NBI Region 2 na mapapanagot ang mga nasa likod ng sinasabing large scale paluwagan scam dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Binigyang diin ni Atty.John Paul Ronquillo, director ng NBI Region 2 na dapat nakahanda ang mga biktima na magsampa ng demanda at magbigay ng ebidensiya laban sa mga nagrecruit sa kanila.

Ayon kay Atty.Ronquillo, ilan din kasi sa mga nahawakan nilang mga kaso na may kaugnayan sa investment scam ay mga kamag anak o miyembro din ng kanilang pamilya ang recruiter.

Inihayag ng NBI na bukas ang kanilang opisina na tumanggap ng reklamo ukol sa pumutok na paluwagan large scam na umano’y miyembro ng kapulisan ang ilan sa mga sangkot dito.

Sa ngayon ay nasa 200 investment scam cases ang nakasampa sa NBI Region 2.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala nanawagan naman si Mayor Maila Ting Que ng Tuguegarao sa publiko na itigil na ang pag-invest sa easy money scheme upang di mawala ang pinaghirapan.

Siniguro din ng alkalde na hindi nito kukunsintihin kung mayroong empleyado ng city hall na nagpasimuno o kasabwat sa scam issue na ito.