TUGUEGARAO CITY-Umapela ang National Bureau of Investigation o NBI Region 2 sa New People’s Army na itigil na ang panlilinlang sa mga katutubo.

Sinabi ito ni Atty.Gelacio Bongngat,director ng NBI Region 2 at isa ring katutubo mula sa Kalinga kaugnay sa paggamit ng NPA sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga lupain sa mga ginagawang mga proyekto tulad na lamang ng mga irigasyon at farm to market roads.

Ayon kay Bongngat,madalas na ginagamit ng mga NPA ang right over ancestrail domain upang mahikayat ang mga katutubo na kontrahin ang isang proyekto.

Subalit,sinabi ng opisyal na hindi na rin umuubra ang ginagawa ng rebeldeng grupo dahil sa marami na rin sa mga miembro ng Indigineous People ay mga propesyonal.

Binigyan diin ni Bongngat na nakakasagal sa pag-unlad ang ginagawa ng NPA kung saan inihalimbawa niya ang Chico River Pump Irrigation Project na sinasabing tinututulan ng mga katutubo subalit napatunayan na walang katotohanan ito dahil sa may pahintulot ang mga katutubo na masasaklaw ng proyekto.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Atty. Bongngat ng NBI

Samantala, sinabi ni Bongngat na malaki ang maitutulong ng pagkakatalaga ni Ret.General Allan Capuyan, isang ring miembro ng IP bilang chairman ng National Commission on Indigineous People.

Naniniwala siya na sa pamamagitan ni Capuyan ay maipatutupad niya ang mga probisyon ng Indigeneous People’s Rights Act at iba pang karapatan ng mga katutubo.