Tuguegarao City- Iniimbestigahan na ng PNP Sta. Ana ang nangyaring pamamaril patay sa isang negosyante sa Brgy. Centro.

Kinilala ang biktima na si Ismael Recolizado, 68 anyos ,negosyante at residente sa nabanggit na lugar.

Sa panayam kay PMAJ Harvey Pajarillo, kasama ng biktima ang kanyang anak habang kumakain ng biglang may nagpaputok ng baril mula sa madilim na bahagi ng lugar.

Aniya, nagulat nalamang ang anak ni Recolizado ng makita ang tama ng baril sa katawan ng kanyang ama kaya’t agad na tumawag sa himpilan ng PNP Sta. Ana.

Sinabi pa ni Pajarillo na sa kanilang imbestigasyon ay agad na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay away lupa at personal na alitan ang nakikitang motibo ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa nangyaring pamamaril.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng bala ng 9mm at Caliber 45.