Tumaas ng humigit-kumulang P70 milyon o mahigit 1,200% mula 2008 hanggang 2024 ang net worth ni Vice President Sara Duterte ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.

Ayon sa SALN, nasa P18.49 milyon ang net worth ni Duterte noong 2008 at P18 milyon noong 2009. Pagsapit ng 2023, umabot ito sa P77.5 milyon at P88.5 milyon noong 2024.

Sinabi ni Ridon na maaari itong ituring na “unexplained wealth”, na isa sa mga isyung nakasaad sa ikaapat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Gayunpaman, iginiit ng ilang mambabatas na kailangan pa ng mas detalyadong ebidensya, tulad ng impormasyon sa mga bank account.

Ayon naman kay House Justice Committee Chair Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, hindi pa kinakailangang ilahad ang ganitong detalye sa kasalukuyang yugto ng proseso, at puwede itong talakayin kapag umusad na ang kaso sa Senado bilang impeachment court.

-- ADVERTISEMENT --

Inihalintulad din ni Ridon ang sitwasyon sa kaso ni dating Supreme Court Justice Renato Corona, kung saan lumabas ang mga ebidensya sa mismong paglilitis sa Senado.