Tumaas sa mahigit 1,000 percent ang net worth ni Vice President Sara Duterte, mula sa mahigit P7.2 million noong 2007 sa P88.5 million sa kanyang 2024 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Batay sa kopya ng SALN ni Duterte sa loob ng 17 taon, tumaas ng 1,120 percent ang idineklara niyang net worth sa ilang taon bilang isang pulitiko.

Nagdeklara si Duterte ng net worth na P88,512,370.22 sa kanyang huling SALN noong December 2024.

Nitong nakalipas na taon, ang kanyang inilagay na kanyang real estate properties ay nagkakahalaga ng P66,808,891 at ang kanyang personal properties ay nagkakahalaga ng P31,653,479.22

Inilagay din ni Duterte ang kanyang liabilities na P9.5 million dahil sa loans sa iba’t ibang creditors at bank loan.

-- ADVERTISEMENT --

Nang maging vice mayor si Duterte noong 2007, ang idineklara niyang net worth ay P7,250,497.

Ang kanyang real estate properties ay P3,774,697, na kinabibilangan ng apat na lote, gusali sa Davao City, at condominium unit sa Quezon City.

Nagkakahalaga naman noon ang kanyang ari-arian ng P5,475,800, na kinabibilangan ng sasakyan, mga motorsiklo, appliances, mga alahas, at P2 million cash.

Ang liabilities ni Duterte noong 2007 ay P2 million.

Nang manalo siya bilang mayor ng Davao City noong 2010, ang idineklara niyang net worth ay P16,242,886.65, sa kanyang real estate properties na nagkakahalaga ng P10,802,668.65, personal properties na nagkakahalaga ng P10,748,218, at liabilities na P5,308,000.

Hindi siya tumakbo noong 2013, at muli siyang nahalal na mayor noong 2016.

Nang maging vice president siya noong 2022, nagdeklara si Duterte ng net worth na P71,058,841.

Ang kanyang real estate properties, maging ang nakapangalan sa kanyang asawa, na si Atty Manasas Carpio at kanilang mga anak ay nagkakahalaga ng P50,958,891.

Ang kanyang personal properties sa nasabing panahon ay nagkakahalaga ng P23,849,950, habang ang kanyang liabilities ay P3.75 million.

Makalipas ang isang o noong December 2024, ang net worth ng vice president ay P88.5 million.