Tuguegarao City- Limitado lamang ang kayang bilhin ng National Food Authority (NFA) Region 2 mula sa produkto ng mga magsasaka ng palay dahil sa mataas na produksyon sa Regiyon 2 at Cordillera.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rocky Valdez ng NFA Region 2 na ito ay dahil na rin umano ito limitadong bilang ng personnel, pondo, mga warehouse na gagamitin na imbakan sa mga pbibilhing palay.
Sinabi ni Valdez na umaabot umano sa 50M na sako ng palay ang produksyon sa Rehiyon 2 at Cordillera habang 3 to 4 percent lang mula rito ang kayang bilhin ng nasabing tanggapan.
Sa kabila nito ay sinabi niya na gumagawa sila ng mga paraan upang agad na mailipat at maibenta ang mga una na nilang mga nabiling palay.
Samantala, sisikapin din umano ng NFA na maging pangunahing takbuhan pa rin ng mga magsasaka na nais na magbenta ng kanilang mga palay sa gitna na rin ng mababang bilihan dito ng mga private traders.