
Maaari na muling bumili ang National Food Authority (NFA) ng aning palay ng mga local farmer sa Bulacan.
Kung nagugunita, nahinto muna ang pamimili ng NFA ng palay dahil sa kakulangan ng espasyo sa kanilang mga bodega.
Nagresulta ito sa pananamantala ng mga tusong negosyante, kung saan binarat ang presyo ng palay ng hanggang P11.50 kada kilo na mas mababa sa tinayang production cost na P12 hanggang P14.
Kaniya-kaniya namang diskarte ang mga magsasaka.
May ilan na sila na mismo ang nanggiling ng kanilang ani at ibenta ito sa presyong hindi sila gaanong dehado.
Karamihan naman ay hindi agad nagbenta ng kanilang palay at hinintay ang pagbabalik ng NFA.
Bumibili ang NFA ng sariwang palay sa presyong P18 per kilo at tuyong butil ng hanggang P24.
Inatasan na ni NFA Administrator Larry Lacson ang mga miller na bilisan ang pag-pick up ng palay mula sa mga warehouse sa San Ildefonso, Bulacan.
Ayon Kay Lacson, maaari na silang bumili ng hanggang limang libong sako ng palay.