TUGUEGARAO CITY-Tuloy-tuloy umano ang pagbili ng national food authority (NFA) ng palay ng mga magsasaka .

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol,sa bagong Implenting Rules and Regulation ng Rice Tarrification Law, bibilhin umano ang mga palay sa halagang P20.40 sa mga individual farmers habang P20.70 naman sa mga cooperative.

Sinabi niya na kahit isang sako ng palay ay bibilhin ngayon ng NFA dahil sa hindi na kailangan ng passbook na isa sa requirement bago makapagbenta ng palay sa NFA

Dagdag pa ni Piñol na kung noon ay bumibili ng palay ang NFA sa mga traders na mula sa mga magsasaka hindi na umano nito papayagan ng ahensiya na muling mangyari.

Layon umano nito na matulungan ang mga magsasaka at maibenta ang kanilang mga aning palay sa mas mataas na halaga

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, hinimok ni Piñol ang mga magsasaka na direktang magbenta ng kanilang aning palay sa NFA dahil cash to cash na umano ang pagbili.