NFA,tiniyak na hindi maibebenta sa ahensiya ang mga palay na mula sa traders
TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ng National Food Authority sa Isabela na tanging ang mga palay ng mga marginalized farmers ang naibenenta sa kanilang mga bodega
Sinabi ni Emmanuel Villanueva,manager ng NFA sa Isabela na ito ang nakasaad sa kanilang palay procurement program matapos na maging ganap na batas ang Rice Tarrification Law
Ayon kay Villanueva na ito ay dahil sa mas mataas ngayon ang bilihan ng NFA sa may magandang kalidad ng palay na P20.40 mula sa individual farmers habang P20.70 naman mula sa mga kooperatiba
Sinabi ni Villanueva na walang limitasyon ang pagbili nila ng palay sa mga magsasaka na may pitong ektarya pababa na pakayan
Subalit, sinabi niya na tiyakin lamang ng mga magsasaka na good quality ang kanilang mga palay upang bibilhin ito ng kanilang tanggapan
Ayon sa kanya, maaari lamang magtungo sa kanilang bodega sa Tumauini,Isabela ang mga magsasaka sa lalawigan na nais na magbenta ng kanilang mga pala