National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)

TUGUEGARAO CITY-Siniguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Region II na hindi mawawalan ng supply ng koryente sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Melma Batario ng NGCP region II, nagkaroon na umano ng pag-uusap ang kanilang ahensiya sa kanilang mga partners tulad ng electric cooperative kung saan nagkaroon nang pag aayos sa mga maintenance facilities.

Aniya, may commitment umano ang NGCP na hindi magkakaroon ng power interruption isang linggo bago at pagkatapos ng halalan.

Ngunit, kung sakali man umano na magkaroon ng problema ay may 16 na grupo ang nakatakdang i-aasign sa iba’t-ibang substation sa Rehiyon na agad reresponde.

Dagdag pa ni Batario, may ipinatayo rin umano ang kanilang tanggapan na command center para sa mas madaling koneksyon sa Regional Office hanggang head office.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, muling pinayuhan ni Batario ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng koryente lalo na ngayong panahon ng tag-init.