Ipinagpaliban ng National Irrigation Administration (NIA) MARIIS – Dam and Reservoir Division ang nakatakdang pagbubukas ng Magat Spillway gate na dating itinakda sana sa araw na ito Setyembre 4, 2024 taong kasalukuyan.
Sa layuning mapanatili ang tamang antas ng tubig sa reservoir at maghanda sa posibleng banta ng paparating na bagyo sa susunod na linggo.
Pinayuhan din ng naturang ahensya ang kumpanya ng kuryente na gamitin ang kasalukuyang pag-agos ng tubig at i-maximize ang paggamit ng tubig upang pababain ang antas ng tubig sa Magat.
Tinitiyak ng NIA na ang kaligtasan ng mga komunidad sa ibaba ng dam at ang integridad ng Magat Dam ang kanilang pangunahing prayoridad.
Habang Patuloy nilang imo-monitor ang kondisyon ng panahon at antas ng tubig sa reservoir.
Ayon sa NIA anumang desisyon hinggil sa pagpapakawala ng tubig ay ibabatay sa pinakahuling ulat ng panahon at aktwal na datos ng pag-ulan sa Magat Watershed kng saan Kung kinakailangan ng karagdagang aksyon, agad nila itong ipaaalam upang bigyan ng sapat na oras ang mga komunidad para sa mga kinakailangang paghahanda.