Nilinaw ni Carlo Ablan, division manager ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) Dam Reservoir Division na walang binuksan na gate sa Magat dam sa halip ay sa MARIIS dam lamang.

Sinabi ni Ablan na ang regulatory gate lamang ang binuksan para magamit sa power generation.

Aniya, 25 cubic meter per second ang pinapakawalan na tubig.

Ayon kay Ablan, layunin ng unti-unting pagpapakawala ng tubig ay upang maiwasan ang mabilis na pagtaas ng tubig sa Magat dam dahil sa nagkaroon na ng pagtaas ng water level nitong nakalipas na tatlong araw bunsod ng mga ulan na dala ng bagyong Carina at habagat.

Sinabi niya na ito ay bilang paghahanda na rin sa mga darating pang mga pag-ulan dahil sa tinaya na mga pag-uulan sa susunod na mga araw bunsod ng habagat at ang low pressure area na tinayang papasok sa Area of responsibility.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Ablan ang water level sa ngayon ay 180 meters, malayo pa sa spilling level na 193 meters.