Isa pang spillway gate ang binuksan ng NIA-MARIIS kaninang alas 3:00 ng hapon.
Dahil dito, tatlong spillway gate ng Magat Dam ang nagre-release ng tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng reservoir elevation dahil sa monsoon rains.
Ayon sa Dam and Reservoir Division, ang Spillway Radial Gate #5 ay binuksan sa 1 metro bilang karagdagan sa Spillway Gates #3 at #4 na may kabuuang limang metro ang taas.
Tinatayang nasa 1,021 cubic meters per second (cms) ang volume ng pinapakawalang tubig kung saan maaari pa itong magbago depende sa maitatalang pag-ulan sa Magat Watershed.
Hinimok ng ahensya ang mga local government units, emergency responders, at mga residente sa tabing-ilog na manatiling alerto dahil posible pang madagdagan ang volumen ng pinapakawalang tubig