Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Maconacon, Isabela, kaninang hapon.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay nasa 18 na kilometro hilagang silangan ng nabanggit na isla.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 55 na kilometro.

Naitala ang lindol kaninang 5:19 ng hapon kung saan nasa siyam na aftershocks na ang naitala bago mag-alas 6:00 ng gabi ngayong Linggo.

Dahil sa lakas ng pagyanig naitala ang Instrumental Intensities sa mga kalapit na lalawigan:

-- ADVERTISEMENT --

Intensity V – Penablanca, CAGAYAN
Intensity IV – Gonzaga, CAGAYAN
Intensity III – Ilagan, ISABELA
Intensity II – Casiguran, AURORA; Batac, Pasuquin, Laoag City, ILOCOS NORTE; Santiago City, ISABELA; Tabuk, KALINGA; Madella, QUIRINO
Intensity I – Bangued, ABRA; Baler, Diapaculao, AURORA; Vigan City, Sinait, ILOCOS SUR; Bayombong, NUEVA VIZCAYA